By

P200K ng ari-arian, naabo sa nasunog na bar, tindahan sa Baclaran

Sharing is caring!

Umabot sa P200,000 halaga ng ari-arian ang napinsala sa sunog na sumiklab sa isang residential/commercial area sa Baclaran, Paranaque City.

Partikukar na nasunog ang magkakatabing bar, salon, tindahan ng tela at mga paupahan apartment sa kanto ng Dimasalang St. at Quirino Avenue.

Nabatid na nagsimula ang sunog sa unang palapag ng tindahan ng mga tela.

Mabilis na lumaki ang apoy dahil pawang mga light materials kabilang ang mga tela ang nasunog.

Nahirapan din ang mga miyembro ng Bureau of Fire Protection (BFP) na matunton ang sunog dahil naka-kandado ang mga tindahan ng tela.

Nagsimula ang sunog 11:48 gabi ng Sabado, umabot sa ika-3 alarma at idineklara na under control 1:26 madaling araw ng Linggo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?