ABANTE-TNT-1m-cocaine-shabu-drugs
By

P200K halaga ng shabu nakumpiska sa 5 drug suspects

Sharing is caring!

Aabot sa 30 gramo ng shabu na tinatayang P.2 milyon ang street value ang narekober mula sa limang drug suspects na naaresto ng mga awtoridad kahapon ng hatinggabi sa Makati City.

Batay sa report ng Makati City police, dakong alas-12:15 ng hatinggabi nang isinagawa ang drug bust operation sa No. 3366 Masangkay St., Brgy. Tejeros ng naturang lungsod.

Ayon sa pulisya, target umano sa operasyon ay si Jona Sobria, nakatira sa nabanggit na lugar na kung saan bumili ang isa sa mga tauhan ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng P3,000 halaga ng shabu.

Naabutan din sa bahay ang iba pa umanong tulak na sina Justin Sobria, 25; Angeles Oyco, 37; Michael Perez, 27, at Michael Bragasin, 37.

Ayon kay Police Chief Insp. Glenn Gonzales, hepe ng Makati City police-SDEU, nang kanilang pasukin ang bahay ni Sobria ay mayroon nagpaputok ng baril na naging alerto naman ang kanyang mga tauhan.

Hindi pa matukoy kung sino ang nagpaputok pero nakuha ang isang hindi pa mabatid na kalibre ng baril na may kargado ng mga bala.

Itinanggi naman ni Sobria na tulak siya at kaya lang daw siya nasa lugar ay para mag-deliver ng pagkain.

Ang iba pang mga suspek ay umamin na gumagamit ng shabu pero hindi aniya sila nagtutulak.

Sa kabuuan, nakuha ang 11 plastic sachet ng naglalaman ng hinihinalang shabu na nasa 30 gramo ang timbang at may street value na P200,000.

Dinala naman sa nasabing himpilan ng pulisya ang lima at kasalukuyan nakakulong ang mga ito at sasampahan ng kason paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?