20

May 3, 2021 @ 20:48
By

P2,000 ‘Sana All’ ayuda tinutulak

Ilang mambabatas ang nagtutulak na bigyan ng P2,000 bawat Pilipino anuman ang katayuan nito sa buhay o edad.

Sa ilalim ito ng P405.6 billion Bayanihan 3 bill.

Ayon sa mga tagapagsulong ng panukalang “Sana All” ayuda, hahatiin ang pagbibigay ng P2,000.

“The total amount is P405.6 billion, which includes P216 billion for the ayuda for all Filipinos. There are different kinds of ayuda. The most basic kind is the “Sana All” ayuda which is 1,000 per head. We’ll be doing this in 2 tranches,” pahayag ni Marikina Rep. Stella Luz Quimbo, isa sa may-akda ng panukala.

Ani Albay Rep. Joey Salceda, masosolusyunan nito ang nangyaring mga problema sa nakalipas na pagbibigay ng ayuda.

“Kasi wala nga national ID so mas mabilis kung gamitin mo lang ‘yung number of people per barangay as basis for budgeting and mas maiiwasan natin ‘yung adverse developments, adverse events during the SAP,” wika niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,