43

By

P200 cash aid pampalubag-loob sa TRAIN Law – Orogo

Sharing is caring!

Nilinaw ni acting Social Welfare Secretary Virginia Orogo na ang buwanang P200 cash aid sa mga mahihirap ay para lang maibsan ang epekto ng TRAIN Law.

Ito aniya ay hindi para pondohan ang lahat ng pangangailangan ng 10 milyong mahihirap na pamilya sa bansa.

Dagdag pa ni Orogo, ang buwanang tulong pinansiyal ay isa lang sa mga programa ng gobyerno na layong mapaganda ang kanilang buhay.

Dinepensahan na rin nito ang tax reform package ng gobyernong Duterte at sinabi nitong ang ugat ng pagtaas ng halaga ng mga bilihin ay ang mataas na halaga ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sinabi pa nito na sinimulan na nilang ipamahagi ang cash assistance at ang kanilang ibinigay ay P2,400 para sa kabuuan ng 2018 at ito ay aangat sa P3,600 sa susunod na taon at sa 2019.

Ngunit may banat ang ilang senador na hindi pa lahat sa 10 milyon pamilya ang nakatanggap na ng naturang tulong pinansiyal.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?