5
views
grab
By

P2/minute charge ng Grab, nakabitin pa sa LTFRB

Sharing is caring!

Maaaring sa susunod na buwan na magpapalabas ng desisyon ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) hinggil sa apela ng Grab sa sinuspindeng P2 kada minutong dagdag-singil sa kanilang pasahero.

Ayon kay LTFRB Chairman Martin Delgra, may mga hinihintay pa silang mga dokumento mula sa Grab Philippines hinggil sa isyu bagama’t aniya hindi na sila magsasagawa pa ng pagdinig.

Noong nakaraang Mayo 22, naghain ng petisyon ang Grab para maibalik ang P2 kada minuto ng biyahe na dagdag sa kanilang pasahe.

Sinuspinde ito matapos ibunyag ni PBA partylist Rep. Jericho Nograles sa katuwiran na hindi alam ng mga sumasakay sa naturang transport network vehicles (TNVs).

Ikinatuwiran ng Grab drivers, pang-alalay lang naman nila ang dagdag singil dahil sa sobrang traffic sa Metro Manila.

Nito lang Lunes, binigyan kapangyarihan na ng Department of Transportation ang LTFRB na magtakda ng regulasyon sa operasyon ng app-based ride hailng system at kasama na rito ang pagtatakda ng pasahe sa TNVs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?