15

Oct 18, 2021 @ 10:12
By

P2-M halaga ng shabu nasabat sa Pasay

Timbog ang dalawang suspek sa Pasay City matapos mahulihan ng 300 gramo ng hinihinalang sahabu.

Kinilala ang mga suspek na sina Emmanuel Bartolome at Eliza Aurelio.

Ayon sa ulat ng GMA News, ikinasa ang buy-bust operation sa kahabaan ng Roxas Boulevard alas-11:45 ng gabi nitong Biyernes.

Anang pulisya, tinatayang nasa P2,040,000 ang halaga ng drogang nakumpiska nila.

Bukod sa shabu, nakuha din ng mga awtoridad ang ilang ID at 2 cellphone mula sa mga suspek. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?