49
ABANTE bam aquino concon conass
By

P2 dagdag buwis sa produktong petrolyo, hinarangan ni Bam Aquino

Nanawagan si Senador Bam Aquino sa Malacañang na pigilan ang pagpapatupad sa 2019 ng karagdagang buwis sa gasolina, krudo at kerosene.

Kasunod ito ng pagpalo ng presyo ng petrolyo sa world market sa $80 kada bariles.

Sa umiiral na Tax Reform for Acceleration and Inclusion (TRAIN) Law, nakatakdang tumaas ng average na P2 ang buwis sa mga produktong petrolyo mula Enero 2019.

Karagdagan pa ito sa buwis sa petrolyo na inumpisahang itaas mula noong Enero ngayong taon.

Ayon kay Aquino, patuloy ang pagtaas ng presyo ng petrolyo sa pandaigdigang pamilihan kaya may sapat na batayan para pigilan ang pagtataas muli ng nasabing buwis.

Sa TRAIN Law, maaring suspendihin ang pagtataas ng excise tax sa petrolyo kapag tatlong buwang sunod-sunod na $80 pataas ang presyo kada bariles nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?