265

Jul 30, 2018 @ 18:59
By

P2-B pinsala sa agrikultura ng 3 bagyo – DA

Umabot na sa P2 bilyon ang halaga ng pinsalang idinulot ng nagdaang tatlong bagyo sa sektor ng agrikultura, ayon sa Department of Agriculture (DA).

Base sa datos mula sa Disaster Risk Reduction Management Operations Center, ang mga pinsala sa palay, mais, kamote, maging sa livestock at produktong dagat ay bunga ng pananasala ng mga bagyong, Henry, Inday at Josie.

Nabatid na ang mga ulat ukol sa pinsala ay mula sa Pangasinan, Bataan, Bulacan, Nueva Ecija, Pampanga, Tarlac, Zambales, Rizal, Occidental Mindoro, Oriental Mindoro at Palawan.

Nakapagtala ng pinakamalaking halaga ng pinsala sa Central Luzon kung saan higit sa P843 milyon ang pinsala ngunit sa usapin ng lalawigan, ang Pangasinan ang pinakalabis na nasalanta kung saan higit P491 milyon ang halaga.

Samantala, ang bigas naman ang pinaka-apektadong produktong pang-agrikultura dahil ang halaga ng pinsala ay P1.62 bilyon at bunga nito 58,063 magsasaka ang apektado.

Kaugnay pa nito, nasira naman ang 4,631 metriko tonelada ng mais na nagkakahalaga ng P64.54 milyon. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?