44

Jun 14, 2020 @ 21:39

P2.7M pinalusot sa ‘Chinese cook book’ nasamsam ng BOC

Nakulimbat ng Bureau of Customs (BOC) sa Port of Clark ang $52,215 o abot sa P2.7 milyong mga bill na nakaipit sa mga pahina ng ilang magazine na dineklara bilang ‘Chinese Cook Book Recipes’.

Ayon sa pahayag ng Customs, dumating ang nasabing shipment noong May 25, 2020 mula Hong Kong at sinailalim sa non-intrusive examination.

Dito nakita ang nasa 540 piraso ng $100 bill, dalawang $50 bill, apat na $20 bill, isang $10 bill at limang $5 bill na nakaipit sa pitong iba’t ibang magazine.

Naglabas ng warrant of seizure and detention si District Collector Atty. Ruby Alameda sa mga nasabing smuggled money sa paglabag sa RA 10863 o Customs Modernization and Tariff Act alinsunod sa Foreign Exchange Transaction Manual ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Ayon kay Alameda, mananatiling mapagmatyag ang kanilang pantalan para sa mga iba’t ibang modus para sa pagpupuslit ng iligal na bagay sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?