dswd1

P2.7-M para sa CCT beneficiaries, tinangay sa Ifugao

Sharing is caring!

Itinakbo ng mga magnanakaw ang nasa P2.7 milyong pambayad sana sa mga benepisyaryo ng conditional cash transfer (CCT) program ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Ifugao.

Sa inisyal na ulat, patungo sana ang tatlong miyembro ng Lagawe Multipurpose Development Cooperative (LMDC) sa bayan ng Tinoc sakay ng motorsiklo nang harangin sila ng ‘di pa batid na bilang ng mga armadong lalaki.

Ang LMDC ang naatasan ng DSWD na siyang mamahagi ng pera sa mga benepisyaryo ng CCT sa ilalim ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program sa ilang lugar sa Ifugao.

Pinahinto sila at tinutukan ng baril sabay kinuha ang dala nilang pera.

Nangyari umano ang insidente dakong alas-siyete ng gabi noong Lunes sa Sitio Awa, Julongan sa bayan ng Kiangan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?