553

Feb 26, 2020 @ 18:50
By

P2.6M ‘di na kukunin! Duterte tinanggap na ang sorry ng ABS-CBN

Lumambot na ang puso ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ABS-CBN matapos itong banatan sa hindi pag-ere ng kanyang campaign advertisement noong 2016 presidential elections.

Ayon sa Pangulo, kanya nang tinanggap ang paumanhin ng ABS-CBN CEO at President na si Carlo Katigbak sa Senate hearing tungkol sa franchise renewal ng Kapamilya network noong Lunes.

Paliwanag pa ni Duterte, wala siyang kinalaman sa quo warranto petition na sinampa ni Solicitor General Jose Calida laban sa ABS-CBN franchise.

“Basta sabi ko, tinatanggap ko na ‘yun. Wala akong kinausap. I never really called anybody about this, even before,” saad ng Pangulo sa pagdalo nito sa awarding ng mga recipient ng Ani ng Dangal sa Malacañang nitong Miyerkoles.

Anang pa ng Pangulo, hindi na niya tatanggapin ang sinoling P2.6-million ng ABS-CBN sa hindi napalabas na campaign ad, at nais niyang ibigay na lang ito ng Kapamilya network sa charity na kanilang nais.

Gayunpaman, saad ni Duterte na hindi siya makikialam sa renewal ng Kapamilya network, na nakabinbin pa sa Kongreso at mapapaso sa Mayo 4, 2020.

“The critical move is in the House and I tell you I am not going to interefre, wala talaga… I leave it to Congress,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?