107

Oct 23, 2019 @ 17:30
By

P2.5B utang ng PhilHealth sa mga pribadong ospital, inaayos na – Go

Wala umanong katotohanan ang napabalitang magpu-pull out ang mga pribadong ospital ng kanilang accreditation sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) bunsod ng hindi pagbabayad ng claims na umabot sa P2.5 bilyon.

Ito ang sinabi ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go kasabay ng pagsabing inaasikaso na umano ni PhilHealth President Ricardo “Dick” Morales ang claims sa kanila ng mga pribadong ospital.

“Tinawagan ko agad kanina si PhilHealth pres si Gen. Morales, sabi ko asikasuhin niya muna ang claims. Sabi niya aasikasuhin nila ang claims, wala pong katotohanan na magpu-pull out ang private hospitals,” pahayag ni Go sa panayam kahapon.

Ayon pa sa senador, noong nagdaang buwan aniya’y pinagharap niya sa pulong sina Morales at Dr. Rustico Jimenez, pangulo Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPi) at nagkasundo naman ang mga ito tungkol sa bayaran ng mga claim.

“Last month ako ang nag-arrange ng meeting between Rustico Jimenez and Gen. Morales at nagkasundo na aayusin ang dapat ayusin, babayaran ang dapat bayaran,” ani Go.

“Ako’y nananawagan kay Gen. Morales, aayusin lahat. Ako, as chairman ng comm on health, kung kelangan sila ipatawag at ipatatawag ko sila to address this, importante walang fraudulent claims ghost claims at ayaw natin may masayang na pera,” sambit pa nito.

“I will request Gen. Morales na bilisan ang bayad sa mga private hospital dahil sila rin mismo kailangan ng pondo para umikot. Tulungan na lang tayo,” dagdag pa nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?