83

Nov 20, 2021 @ 21:40
By

P2.5-B pekeng gamit nasabat sa Pasay

Sinalakay ng mga awtoridad ang ilang warehouse sa One Logistics Center sa Pasay City nitong Biyernes kung saan nakumpiska ang mga pekeng gamit na nagkakahalaga ng P2.5 bilyon.

Isinagawa ng mga miyembro Customs Intelligence and Investigation Service-Intellectual Property Division (CIIS-IPRD), BOC-Port of Manila (BOC-POM), Philippine Coast Guard (PCG), at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang inspeksyon sa mga warehouse sa bisa ng Letter of Authority (LOA) mula sa Bureau of Customs (BOC).

Dito nila nadiskubre ang mga kagamitang may paglabag umano sa Intellectual Property Right at pinaghihinalaang smuggled pa.

Ilan sa mga brand na ginaya ay Christian Dior, Gucci, Chanel, Louis Vuitton at Fendi.

Maaaring makasuhan ang may-ari ng mga nakumpiskang gamit ng paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines (RA 9283) at Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?