21

Nov 17, 2021 @ 13:35
By

P2.38M halaga ng shabu nasabat sa Taguig; 1 drug dealer arestado

Isang hinihinalang drug dealer ang naaresto ng mga awtoridad sa isang buy-bust operation sa Taguig City nitong Nobyembre 16.

Nagsagawa ng “Oplan Galugad” ang mga tauhan ng Taguig Police Sub-Station 9, Mobile Patrol Unit (MPU) at Taguig Peace and Order Unit (TPOU) nitong Martes, sa New Lower Bicutan badang alas-8:15 ng gabi.

Nadakip ng mga pulisya ang suspek na si Omie Salik, 24, nang maaktuhan nila itong nagbebenta ng ilegal na droga sa isa pang suspek. Agad nilang inaresto si Salik habang nakatakas naman ang hindi pa nakikilalang suspek.

Nakumpiska kay Salik ang pitong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may halagang P2.38 milyon.

Pinaghahanap naman ng pulisya ang nakatakas na isa pang suspek. (Sherrylou Nemis)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?