12

Nov 22, 2021 @ 15:29
By

P1M smuggled na sigarilyo nakumpiska

Isang cargo truck ang bistado nang tangkain nitong ipuslit ang mga sigarilyo na nagkakahalagang P1 milyon sa Pagadian City.

Ayon kay Bureau of Customs (BOC) Zamboanga City District Collector Segundo Barte Jr., nakuha ang tig-iisang master case ng Canon at Berlin, 2 master case ng San Marino, 5 master case ng Nelson, 5 master case ng Astro, at 10 master case ng Fort cigarettes na nagkakahalaga ng P1,080,000 sa isinagawang checkpoint sa Tiguma district.

Sinabi naman ng mga awtoridad na mas paghihigpitan pa nila ang mga checkpoint para maiwasan ang kaparehas na insidente.

Nitong Nobyembre 18, nakumpiska ang P15,975 milyong halaga ng sigarilyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?