69

Oct 26, 2017 @ 17:22

P1M shabu nasabat sa buy-bust ops sa Taguig

Hindi na nakapalag ang isang itinuturong big-time drug pusher nang arestuhin siya ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) kamakalawa ng gabi sa Taguig City.

Base sa ulat, kinilala ang naaresto na si Dhan Usman, alyas Rahib Usman.

Nakuha sa kanya ang tinatayang P1 milyong halaga ng shabu.

Nabatid na kabilang si Usman sa watchlist ng PDEA at ang kanyang operasyon ay sa Calabarzon Region.

Depensa naman ni Usman, napag-utusan lang siya na mag-deliver ng shabu ngunit tumanggi siyang kilalanin ang nagpadala sa kanya ng droga. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?