15

May 6, 2021 @ 16:34
By

P1M shabu naipuslit sa Cebu City Jail

Nagsasagawa na ng imbestigasyon kaugnay sa pagkakakumpiska ng pake-paketeng shabu sa Cebu City Jail.

Ayon sa ulat, nadiskubre ang mga shabu na may kabuuang halagang P1.1 milyon sa ikinasang greyhound operation sa kulungan, Huwebes ng madaling-araw.

Ayon kay Cebu City Jail warden Jail Supt. Jose Rusylvi Abueva, ang mga tauhan ng Bureau of Jail Management and Penology-Central Visayas at Philippine Drug Enforcement Agency-Central Visayas ang nakarekober ng may 32 gramo ng shabu sa iba’t ibang selda.

Kabilang din sa nakumpiska ang isang kalibre .45, mga bala nito, isang magazine, sari-saring drug paraphernalia at bladed weapon.

Ani Abueva, humingi sila ng tulong sa PDEA matapos makatanggap ng mga report na nakakapagpuslit ng iligal na droga sa kulungan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?