41

Sep 13, 2021 @ 19:44
By

P1M sa pinakamatandang Pinoy na nabubuhay hinirit

Naghain ng resolusyon ang isang solon upang hilingin sa Kamara de Representantes na kilalanin at bigyan ng P1 milyong cash gift ang pinakamatandang nabubuhay na tao sa mundo.

Inihain ni House Special Committee on Senior Citizens chairperson Rodolfo Ordanes ang House Resolution 2207 upang kilalanin si Francisca Susano ang pinakamatandang Pilipino at pinakamatandang tao na nabubuhay sa mundo ngayon.

Ipinagdiwang ni Susano ang kanyang ika-124 kaarawan noong Setyembre 11.

“Whereas, upon reaching the age of 124 years old, Mrs. Susano became the oldest living Filipino and has surpassed Jeanne Calment as the world’s oldest living person,” sabi sa resolusyon.

Sinabi ni Ordanes na dapat kilalanin ang naabot ni Susano.

“Whereas, in view of the honor that Mrs. Susano brings to our country and for inspiring every Filipino to strive and overcome old age, we should give her the proper recognition and aid she deserves,” sabi pa sa resolusyon.

Hinimok ni Ordanes ang Kamara na bigyan ng P1 bilyong cash gift si Susano.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?