13
dottie
By

P1M sa 4 na araw isinubi ni Ardina

Sharing is caring!

Nakuntento lang si Dottie Ardina sa ginanap noong Mayo 10-13 na US$200,000 Self Regional Healthcare Foundation Women’s Health Classic sa Links at Stoney Point sa South Carolina, USA.

Sawimpalad pa rin ang 5-year Filipina pro golfer para sa una sana niyang titulo sa loob ng apat na taon sa event sa nagsilbing pang-apat na torneo sa may 20 bahaging 13th Symetra Tour 2018, at ang pangalawa pa lang niyang nilaruan taon.

May 4 na araw na hinampas ang 24-anyos na Pinay na tubong Canlubang, Laguna sa 8-under 280 mula sa mga linyang 72-72-68-68, iwan lang ng isang palo sa Amerikanang si Vicky Hurst (279 tapos ng 71-70-71-68) na nasungkit ang ikawalo niyang ST title.

Pero hindi na rin masama ang pinakita ni Ardina sa solo second, napantayan ang tie for 2nd niya sa 2015 Four Winds, at nagkaloob sa kanya ng $19,483 runner-up cash prizes katumbas ng P1-milyon. Nagpapositibo rin sa kanyang tsansa sa Symetra Classic sa River Run Cluntry Club sa North Carolina sa May 17-19.

Nasa 7-way tie sa 46th place lang si Mia Piccio upang maabunan ng $947 samantalang bokya sa prizes ang mga na-cut sa halfway mark na sina Princess Mary Superal, Regan de Guzman at Clariss Guce.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?