50

Jun 2, 2020 @ 22:03
By

P1M ng health worker kinalimutan: DOH lumabag sa Bayanihan law – Lacson

Hindi katanggap-tanggap para kay Senador Panfilo Lacson na hanggang sa ngayon ay hindi pa nakukuha ng mga pamilya ng mga health worker na nasawi dahil sa COVID-19 ang pangakong P1 milyong kompensasyon ng Department of Health (DOH).

Aniya, malinaw na paglabag ito sa “Bayanihan to Heal as One Act”.

Mukha raw abala ang DOH sa pagbili ng mga mamahaling medical equipment at nakakalimutan na ang mga frontliner.

“It is totally unacceptable that the families of the 32 health workers who died due to Covid-19 have yet to receive the P1M compensation in clear violation of the Bayanihan to Heal as One Act. The DOH must be busy procuring pricey medical equipment to neglect their front-liners,” tweet ni Lacson.

Nitong Martes ibinunyag ni Senador Sonny Angara habang tinatalakay ng Senado ang Senate Bill No. 1564, o “Bayanihan to Recover as One Act” na wala pang mga health worker ang nakinabang sa compensation package na nakasaad sa “Bayanihan To Heal as One Act”, tatlong buwan mula nang maisabatas ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?