102

Dec 22, 2018 @ 18:23
By

P1M halaga ng sari-saring bala, bumulaga sa 6 balikbayan box

Nasabat ng Bureau of Customs-Customs Intelligence and Investigation Service (BOC-CIIS) ang nasa P1 milyong halaga ng mga high-end ammunition at magazines na ipinuslit sa bansa sa pamamagitan ng anim na balikbayan boxes.

Ayon sa report, idineklara ang laman ng mga kahon na mga gamit sa bahay.

Nakahalo umano sa mga bala ang tatlong t-shirt, tatlong bote ng tubig at isang bote ng hot sauce.

Naharang ang smuggled na mga bala nang makatanggap ng tip si BOC-CIIS Director Jeoffrey Tacio noong Disyembre 6 hinggil sa naturang shipment.

Naka-address umano ito sa isang Lario Vecencio sa Zambales.

Pero dahil wala umanong nag-claim sa balikbayan boxes ay ibinalik ito sa forwarder nito sa Parañaque City.

Sa warehouse umano ng forwarder binuksan ng mga ahente ng CIIS ang mga box noong Disyembre 19 kung saan tumambad ang mga puslit na bala. 

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?