37

Oct 19, 2020 @ 17:52
By

P1M ecstasy nasabat, 6 arestado sa Manila buy-bust

Mahigit P1 milyong halaga ng ecstasy tablet ang nakumpiska sa ikinasang buy-bust operation sa Malate, Manila noong Linggo, ayon sa Philippine National Police-Drug Enforcement Group (PNP-DEG) nitong Lunes.

Anim na suspek naman ang nasakote sa isinagawang operasyon sa Adriatico Street.

Nasamsam sa mga suspek na sina Chia Alona, 33; Jose Dianses, 39; Matthew Golar, 42; Michelle Sato, 35; Barbie Dizon, 32; at Julius Emprado, 42, ang 1,000 pirasong ecstasy tablet na nagkakahalaga ng P1.7 milyon.

Kasalukuyan nang nasa kustodiya ng PNP-DEG ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?