100
‘Drug queen’, 3 pa nalambat sa Navotas buy-bust
Dec 31, 2017 @ 13:00

P1M cocaine, ecstasy nasamsam sa bisperas ng Bagong Taon

Nabawi ng mga operatiba ng Quezon City Police ang tinatayang P1 milyon halaga ng cocaine at ecstasy mula sa apat suspek sa isang buy bust operation sa kahabaan ng Timog Avenue sa Quezon City kaninang umaga.

Ayon kay QC Police District (QCPD) director Chief Supt. Guillermo Eleazar, nakumpiska sa mga suspek ang 30 gram ng cocaine, 200 piraso ng ecstasy at liquid ecstasy.

Ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Michael Franz Karag, Nina Recio, Sarah Sibayan and Dianne Strella.

Dinakip ang mga suspek ng QCPD drug enforcement unit’s operation sa harap ng isang Chinese restaurant aalas-9 ng umaga kanina.

Kinumpiska din ng mga pulis ang Mazda 2 car na may license plate ABE 7567 ng ginamit ng suspek sa pagdeliber ng mga iligal na droga.

Kasalukuyang nakakulong sa QCPD headquarters ang mga suspek at inihahanda na ang kasong paglabag sa Section 5 and 11 of the Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Dolly Cabreza

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?