59

Jun 10, 2021 @ 20:24
By

P1M ayuda nakulimbat sa DSWD

Natangayan ng may P1 milyong halaga ng cash aid ang isang opisina ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Rawis, Legazpi City, Albay.

Ayon sa ulat, isang empleyado umano ng DSWD Bicol ang nakadiskubre noong Martes ng hapon sa kulang na P1 milyon sa vault na para sa pinansiyal na tulong.

Iniimbestigahan pa ang insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?