119

Dec 3, 2017 @ 15:16
By

P1K dagdag suweldo ng mga kasambahay ngayong Disyembre na

Magandang Pamasko para sa mga sa kasambahay sa Metro Manila.

Simula ngayong Disyembre, tataas ng P1,000 ang buwanang sahod ng mga household service worker sa National Capital Region (NCR).

Ito ay makaraang aprubahan ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board ng NCR, ang wage hike para sa mga kasambahay sa Metro Manila.

Dahil dito, mula sa dating P2,500 ay magiging P3,500 na ang minimum wage rate para sa mga domestic worker sa NCR.

Nabatid na nailathala na noong Byernes, December 1, ang wage order kaya magkakabisa na ito sa December 16, siyam na araw bago ang Pasko.

Saklaw ng wage orer ang lahat ng mg domestic worker, sila man ay nanunuluyan o stay-in sa amo o di kaya ay nasa ilalim ng live-out arrangement.

Kasama na rito ang mga yaya, cook, hardinero, labandera at iba pa na gumaganap ng gawaing-bahay.

Hindi naman sakop ng umento ang mga domestic worker na hindi naman regular na nagtatrabaho sa kanilang mga amo. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?