24

Jul 20, 2021 @ 18:18
By

P1K cash allowance ng SUC personnel hiniling

Humirit ng P1,000 buwanang allowance ang Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC) para sa mga teaching at non-teaching personnel ng State Universities and Colleges (SUC).

Sa briefing ng House Committee on Higher and Technical Education ngayong Martes, sinabi ni PASUC president Dr. Tirso Ronquillo na kulang ang P300 reimbursement allowance para sa pagpapatupad ng flexible learning scheme.

“In view of the implementation of flexible learning mode in lieu if face to face delivery and the prevailing cost of mobile data/ internet subscription the monthly allowable reimbursable amount of P300 for the purpose is grossly inadequate,” sabi ni Ronquillo.

Ang panukala umanong P1,000 ay katulad ng ibinibigay ng Department of Education (DepEd) sa mga guro nito.

“We propose an amount of at least 1,000 per month to cover necessary expenses during COVID-19 pandemic,” dagdag pa ni Ronquillo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?