50

By

P1B para sa gamit ng mga bumbero, aprub na kay Duterte

Sharing is caring!

Nagbigay na ng go signal si Pangulong Rodrigo Duterte para maglaan ng dagdag na isang bilyong piso sa pondo ng Bureau of Fire Protection para ipambili ng mga kagamitan.

Sinabi ni Department of Interior and Local Government Officer-in-Charge retired Gen. Eduardo Año, inaprubahan ng Pangulo sa ginanap na pulong sa Davao City ang P1 bilyong dagdag pondo para makasabay ang mga bumbero sa gamit ng ibang bansa.

Nais aniya ni Pangulong Duterte na maibigay ang tamang serbisyo sa mamamayan para matiyak ang kaligtasan ng mga ito.

“Noong huling meeting namin with the President sa Davao ay inaprubahan niya ang additional na P1 billion para sa pagbili ng kagamitan ng ating mga bumbero para makapantay din tayo sa kanilang niche –katulad ng mga world class firefighters,” ani Año.

Matatandaang naging sunod-sunod ang insidente ng sunog noong bago magtapos ang 2017 kung saan 37 katao ang nasawi sa nasunog na NCCC Mall sa Davao City, habang ilang residential areas din ang natupok ng apoy.

Nasunog din ang isang malaking mall sa Cebu City nitong weekend na tumagal ng halos 22 oras.

Sinabi ni Año na nais ni Pangulong Duterte na mabawasan ang pinsala sa mga ganitong hindi inaasahang sakuna kaya nais nitong makabili ang gobyerno ng mga kagamitang maaaring makapagligtas ng buhay at mga ari-arian. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?