cigs
By

P18-M halaga ng smuggled na sigarilyo nasabat ng BOC

Sharing is caring!

Nasabat ng Bureau of Customs (BOC) sa Manila International Container Port (MICP) ang isang 40-footer container na naglalaman ng puslit na sigarilyo na nagkakahalaga ng P18.5 million.

Ang shipment ay naka-consign sa Madrid Industrial Marketing na naka-base sa Paco, Maynila.

Idineklara ang kargamento na naglalaman ng 890 kahon ng industrial artifical fur texture pero nang busisiin ang container ay nabatid na naglalaman pala ito ng 914 kahon ng sigarilyo na may brand Jackpot, Fortune, John, Marvels at U2.

Nagpalabas na si Commissioner Isidro Lapeña ng alert order laban sa mga kargmento na dumating sa bansa mula sa China noong April 4.

Nakatakda umanong sumailalim ang shipment sa seizure at forfeture proceedings dahil sa paglabag sa Section 1400 o misdeclaration, misclassfication at undervaluation ng mga idineklarang kargamento na bahagi ng probisyon ng Customs Modernization and Tariff Act o Republic Act No. 10863.

Dagdag pa ni Lapeña, kakanselahin at sususpindihin din ng BOC ang accreditation ng importer at customs broker na nagpasok ng kargamento.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?