99

Oct 6, 2017 @ 18:15

P178M na road improvement matatapos na

Inaasahang matatapos na ngayong taong ito ang ginagawang 10-kilometer Masbate-Cataingan-Placer Road sa lalawigan ng Masbate.

Ayon kay Department of Public Works and Highways (DPWH) Region 5 Director Danilo Versola, ang nasabing road improvement na nagkakahalaga ng P178.2 million ay isa sa mga prayoridad na proyekto ng kagawaran dahil inaasahang makakatulong ito sa pagpapalago ng ekonomiyang probinsya.

“The Masbate-Cataingan-Placer Road improvement project would strengthen road connectivity within the towns of Uson, Dimasalang, Palanas, Cataingan, and Placer in Masbate and other neighboring areas,” paliwanag ni Versola.

Sa oras na matapos ang proyekto, mas magiging madali ang pagbiyahe ng mga produktong-dagat at pang-agrikultura, pati na ang paghahatid ng mga pangunahing serbisyo mula at patungo sa Masbate at iba pang mga bayan.

Kasama sa ginagawang road improvement ay ang pagsasaayos sa drainage, metal beam guardrail, slope protection at pavement marking. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?