27
2 pulis laglag sa Pasig buy-bust, P2M shabu nasabat
By

P170M shabu nasamsam sa 2 Tsino, 2 Pinoy sa QC

Umabot sa P170 milyong halaga ng iligal na droga ang nasamsam ng mga operatiba na Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) at Quezon City Police District (QCPD) sa magkahiwalay at magkasunod na isinagawang buy-bust operation sa lungsod, Martes ng gabi.

Sa report kay Acting QCPD Director Police Colonel Ronnie Montejo, unang isinagawa ang buy-bust dakong alas-4:30 ng hapon, Oktubre 8, 2019, sa Sta. Catalina St. corner Sto. Domingo St., Brgy. Sienna.

Dito naaresto ng mga operatiba ng PDEA at La Loma Police Station (PS) 1 ang Chinese na si Liu Fu Gui at dalawang kasamang Pinoy na sina Keith Anthony Romo, call center programmer at Nonito Garundo, gasoline boy.

Nakumpiska sa kanila ang 10 kilo ng shabu na may street value na P68,000,000, buy-bust money, pulang Mitsubishi Galant na may plate no. UDJ 276, at pulang Honda Civic (WPD 697) na ginamit sa transaksiyon.

Dakong alas- 7:45 ng gabi muling nagsagawa ng buy-bust ang PDEA sa koordinasyon ng Kamuning PS 10 sa harap ng Quezon Heritage House sa Quezon City Memorial Circle, Brgy. Central, kung saan nadakip ang isa pang Chinese na nakilalang si Hongbo He, 45, tubong Hunan, China, at naninirahan sa Mariveles, Bataan.

Nakumpiska sa Tsino ang 15 kilo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000,000, isang metallic gray Toyota Grandia (UGI688) na ginamit sa iligal na transaksiyon at buy-bust money.

Tumanggi namang magsalita ang mga naarestong suspek kung saan nila kinukuha ang ganoong dami ng shabu.

Ang mga naaresto ay kasalukuyang nakapiit sa tanggapan ng PDEA sa Quezon City habang inihahanda ang naturang kaso laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?