113
cebu-airport
Jun 1, 2018 @ 18:02

P17.5-B resort airport sa Cebu, magbubukas sa Hulyo

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inagurasyon ng unang resort airport sa Pilipinas.

Ayon sa report, nakatakdang buksan ang P17.5 bilyong Terminal 2 ng Mactan Cebu International Airport (MCIA) sa Hunyo 7.

Pero magsisimula umano ang operasyon nito sa Hulyo 1.

Ang pagbubukas ng airport ay magpapataas sa kapasidad ng paliparan na magserbisyo ng mas mataas na bilang ng pasahero ng 12.5 milyon kada taon.

Dinisenyo ito ng Hong Kong-based Integrated Design Associates kasama sina Budji Layug, Royal Pinda at Kenneth Cobonpue. (IS)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?