78

Jan 18, 2021 @ 17:20
By

P16B Sinovac tongpats bulilyaso

Posibleng umabot as P16.8 bilyon ang maging kickback sa pagbili ng China Sinovac vaccine kung hindi nagkaroon ng pagdinig ang Senate Committee of the Whole sa COVID-19 vaccination plan ng gobyerno.

Sa privilege speech ni Senador Panfilo Lacson, ipinagpalagay nito kung kung natuloy ang orihinal na presyong P3,629 ng Sinovac kada dalawang bakuna kumpara sa $5 lamang sa Thailand, magkakaron umano ng pagkakaiva sa preesyo para sa 25 milyong does na nagkakahalaga ng P16.8 bilyon.

“Imagine this, Mr. President. Marahil kung sakaling hindi natalakay sa pagdinig ng Senado ang kontrobersya ng Sinovac, at assuming natuloy ang original na presyong P3,629 or $38 kada dalawang bakuna o P1,814 equivalent to $19 kada turok, kontra $5 sa Thailand, easily the price difference of 25 million doses would fetch US$350 million or P16.8 billion,” pahayag ni Lacson.

“That being said, I am not prepared to accuse anyone in particular of corruption. Rather, it defies logic to suspect at least an attempt to overprice the vaccine. Again, when there is an attempt at overpricing, isn’t it also logical to think na may kikita ng limpak-limpak na salapi?” dagdag pa nito.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos ikumpara ang kasunduan ng Pilipinas sa bansand Indonesia at Thailand na na bumili rin ng bakuna sa Sinovac Biotech.

Sabi ni Lacson, ang state-owned phamarceutical company PT Biopharma na nakapag-sseal ng deal as Sinovac ng halagang 200,000 Indonesian Rupiah (US$13.57) o P683.30 kada dosage sa oras available na ito.

Kahit aniya ang Thailand government ay transparent din sa kanilang negopsasyon sa vaccine developer kungsaan nakabila sila ng Sinovac vaccine sa halagang %5 o P240 (P48:US$1) kada dosage nito.

Subalit binasagan naman ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang nauna nang napabalitang P3,600 hlaga para sa dalawang dosage ng Sinovac.

“Ang aking i-a-assure po sa inyo, fake news po ‘yung kumakalat na P3,600 daw ang singil ng China. Ang ating presyo, bagama’t hindi pa maaaring ianunsyo kung ano po talaga ang presyo ng Sinovac, ay hindi po nagkakalayo o hindi po lalayo sa presyo ng Indonesia na sa bandang P650 kada turok,” pahayag ni Roque sa panayam sa DZBB noong Linggo.

Sa panayam naman kay vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. na ang presyong P3,629 na kumakalat sa social media ay para sa Sinopharm at hindi sa Sinovac.

“We dare ask: Are Secretary Roque and Secretary Galvez saying that Secretary Duque was the peddler of that fake news?” sabi ni Lacson. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?