12

Nov 23, 2020 @ 16:00

P16B calamity fund sa 2021 kulang – Drilon

“Totally inadequate.”

Ito ang sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon kaugnay ng P16-bilyong calamity fund na nakapaloob sa 2021 national budget.

Ayon kay Drilon, ang tatlong bagyo – Quinta, Rolly at Ulysses – ay nag-iwan ng P34 bilyong pinsala sa imprasktraktura at agrikultura.

“If you look at the damages caused by the last three typhoons: Ulysses (P13B), Rolly (18B) and Quinta (4.2B). From these three typhoons alone, you are talking about P34 billion in damages and next year you only have P20 billion in calamity funds. It is totally inadequate,” pahayag ni Drilon sa panayam sa ABS CBN News Channel.

Sabi pa ni Drilon, ang P16 bilyon ay nasa ilalim ng pondo ng National Disaster Risk Reduction and Management Council. Ginagamit ang pondong ito para sa relief operation sa mga biktima ng kalamidad tulad ng bagyo.

“We have the calamity fund which is tapped immediately, if and when, or even simultaneously with the quick response funds of the other department,” sabi ng senador.

Samantala, ibinasura ni Drilon ang panukalan sa pagbubuo ng Department of Disaster Resilience dahil dagdag lang ito sa burukrasyo ng gobyerno. Aniya, ang kailangan ay dagdag na disaster fund at hindi dagdag ng burukrasya.

“It will be a disaster. What we need is additional funds for disaster response or calamity funds, not an additional bureaucracy,” ayon kay Drilon.

Kung magkakaroon aniya ng panibagong departamento tulad ng DDR, mahigit P1.5 bilyon ang ilalaan para sa suweldo at Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE).

“If you say P1.5B is needed per department, you can immediately say that about P10 billion would be needed that is why I said that creating a department of disaster would be a disaster because you need funds, especially today for Covid-19,” ani Drilon.

“That is why I support the Senate President’s bill that seeks to rationalize the size of the bureaucracy. We should support that bill,” dagdag pa nito. (Dindo Matining)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?