60
shabu-tea

P163M halaga ng droga nasamsam sa Maynila; mag-ina tiklo

Sharing is caring!

Narekober ng pulisya ang 24 na kilo ng shabu sa kanilang isinagawang drug buy-bust operation kagabi sa Sta. Ana, Maynila.

Ayon kay Northern Police District Director Police Chief Supt. Amando Clifton Empiso, nakumpiska ang 24 na kilo ng shabu na nakalagay sa kulay puting luggage sa loob ng isang sasakyang naka-park sa Manila Central University sa Sta. Ana.

Ang shabu ay may street value na P163 milyon na nakuha sa naarestong mag-ina na sina Ruby Calabio, 61-anyos, at Ian Akira Calabio, 26.

Ngunit bago ito dalawang suspek ang naaresto ng mga pulis sa Caloocan na kinilalang sina Luzviminda Basilio at Jocelyn Santos.

Nakuha sa kanila ang 20 gramo ng shabu, at nang isailalim sila sa interogasyon ng pulisya ay itinuro nila ang kanilang mga kasabwat na mag-ina na sina Ruby at Ian.

Ayon naman kay Philippine National Police Chief, Police Director General Oscar Albayalde, ang pagkakarekober sa kilo-kilong shabu ay patunay na hindi tumitigil ang pambansang pulisya sa kanilang kampanya kontra iligal na droga. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?