114

By

P162-M cocaine nadampot ng 4 mangingisda sa CamSur

Sharing is caring!

Nakita ng apat na mangingisda na palutang-lutang sa karagatang sakop ng Camarines Sur nitong Martes ang isang plastic container.

Nang kanila itong siyasatin, nakita ang balot ng packing tape na mga pakete umano ng cocaine.

Agad na ini-report ng grupo ang insidente sa kanilang barangay official na agad tumawag sa Perez police station.

Ayon sa pulisya, naglalaman ito ng 27 kilo ng powdered substance na tinatayang nasa P162 milyon ang halaga.

Sa pagsusuri ng Quezon police Crime Laboratory, nakumpirmang cocaine ang nakuha ng mga mangingisda.

Nakatakda namang i-turnover ang kilo-kilong cocaine sa crime laboratory ng Camp Crame sa Quezon City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?