498

Feb 1, 2019 @ 14:26
By

P160M ‘pork’ ng bawat kongresista, P23B ng mga senador haharangin ni Lacson

Haharangin umano ni Senador Panfilo Lacson ang nadiskubre niyang pork barrel ng mga kongresista at kapwa senador.

Lalaban umano siya kahit matalo siya sa botohan bagaman umaasa rin siyang sasamahan siya ng ilang kapwa senador.

“I may be outvoted eventually but I’m willing to go down fighting, confident that some like-minded colleagues will do the same,” ani Lacson.

Una niyang sinabi na pinabigyan ng Malacañang ang bawat kongresista ng pork barrel na P100M na ipinasok sa National Expenditure Program (NEP) o panukalang badyet na isinumite nito sa Kongreso.

Pinadagdagan pa umano iyon ni House Speaker Gloria Arroyo ng P60 million para sa bawat kongresista at kinuha ito sa P75 bilyon na ipinatong ni Budget Secretary Benjamin Diokno sa panukalang badyet ng Department of Public Works and Highways.

Kung susumahin, sinabi ni Lacson na lalagpas sa P50 bilyon ang kabuuang “pork” para sa lahat ng mga kongresista.

Bukod pa ito sa sinabi niyang P23 bilyon ng ilang senador na nagpasok ng individual amendments sa badyet.

“P160M pork for each congressman, and billions more for a few others plus P23B for some senators on the DPWH budget alone is too much and unacceptable,” dagdag nito.

Sa ngayon, hinihimay ng technical working group ng mga senador ang panukalang badyet at isasalang itong muli sa Bicameral Conference Committee sa Lunes.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?