200

May 11, 2021 @ 19:14
By

P15M naabo sa sunog sa Cavite

Nasa P15 milyong halaga ang iniwang damage ng sumiklab na sunog sa isang garment factory sa Golden Mile Business Park sa Barangay Maduya, Carmona, Cavite ngayong Martes, Mayo 11.

Ayon sa ulat, nakatanggap ng tawag ang Carmona Fire Station tungkol sa sunog bandang alas-9:26 ng umaga.

Umabot ito sa ikatlong alarma alas-9:53 ng umaga at dineklarang fire out ng alas-11:47 ng umaga.

Nagsimula umano ang apoy sa ikalawang palapag ng gusali kung saan nakaimbak ang mga tela.

Iniimbestigahan pa ang sanhi ng insidente habang walang naitalang anumang casualties sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?