62

By

P15M halaga ng marijuana, nasabat sa Subic

Sharing is caring!

Sinalakay ng Philippine Drug Enforcement Unit ang isang marijuana laboratory sa Subic, Zambales nitong Biyernes.

Nakumpiska rito ang nasa P15 milyong halaga ng marijuana.

Ayon sa report, nadiskubre ang laboratoryo sa bahay na inuupahan ng mag-live in partner sa Magdalena Subdivision sa Barangay Sto. Tomas.

Naaresto ang mag-live in na isang Briton na si Simon Watson, 44, at partner nitong si Rizza Fernandez, 28.

Una nito nagsagawa ng surveillance ang kapulisan dahil sa tip na mayroon umanong laboratoryo ng marijuana sa lugar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?