24

By

P150K ng Amerikano, isinauli ng airport taxi driver

Sharing is caring!

Abot-langit ang pasasalamat ng isang US citizen nang maibalik sa kanya ang bag na naglalaman ng mahigit P150,000 at mga personal na gamit nito.

Ayon sa 66-anyos na si Belen Swegler, galing siya ng Palawan, sumakay ng airport taxi sa NAIA Terminal 2 at nagpahatid sa Newport, Pasay City.

Sa kuwento naman ni Romnick Espiritu, driver ng Peoples Network Transport, pabalik na siya ng Terminal 2 nang mapansin ang isang maliit na itim na bag.

Bumalik si Swegler sa Terminal 2 at laking tuwa niya nang magkita sila ni Espiritu bitbit ang naiwan niyang bag.

Laman ng bag ang P50,000 at $2,000 cash; iPhone 8, credit cards at IDs.

Pinasalamatan nang husto ni Swegler si Espiritu at mga tauhan ng Airport Police Department.

Samantala, sinabi ni Manila International Airport Authority Gen. Manager Ed Monreal na maliit man na kabayanihan ang ginawa ni Espiritu, pinatunayan naman nito ang katapatan ng mga Filipino.

Dagdag pa ni Monreal, malaking tulong ang ipinakitang katapatan ni Espiritu sa kanilang mga hakbangin na mapaganda ang imahe ng pambansang paliparan. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?