15

Nov 14, 2020 @ 11:50
By

P14M itutulong ng DSWD sa mga LGU

Magkakaloob ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng P14M sa mga local government unit para mapunan ang panangailangan kasunod ng pananalasa ng bagyong Ulysses.

“This is part of our mandate to provide resource augmentation sa mga local governments upang matugunan ang pangangailangan ng kanilang mga nasasakupan,” saad ni DSWD spokesperson Irene Dumlao sa DZBB.

Lahad din ni Dumlao, may pondo silang P600M sa kanilang quick response fund na magagamit sa mga naturang disaster.

Sa ngayon ay nagsimula na ang DSWD na magkaloob ng tulong sa Bicol Region.

“Sa Region 5, nakapag-umpisa na tayong mamahagi ng emergency shelter assistance,” saad ng DSWD official.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?