101

Nov 10, 2021 @ 13:02
By

P146-M disallowances ni Dick sa SBMA pinakokolekta na

Pinapakuha na ng Commission on Audit (COA) sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) ang P146.8 million na dinis-allow sa ilalim ng pangangasiwa ni Senator Dick Gordon.

Ito ang ibinunyag ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang Talk to the People kaugnay sa hindi pa naisasauling pera ni Gordon sa gobyerno.

Sinabi ng Pangulo na hanggang ngayon ay hindi pa naisoli ni Gordon ang P86 million na bahagi ng P146.8 milyong pinasosoli sa kanya ng COA.

“Ito naman kay Gordon, the Commission on Audit in an order of execution, instructed SBMA Chairman Wilma Eisma to immediately cause the collection of settlement of the 146.8 million liability of various former and current SBMA officials including Senator Richard Gordon for the liability that amounts to roughly P86 million,” anang Pangulo.

May utos din aniya ang COA na kapag hindi nakolekta ng SBMA ang hinahabol na salapi ay hindi ibibigay ang sweldo ng mga ito.

“COA also instructed SBMA to withhold payment of salaries. Kasalimyan, hindi ibibigay yung salaries ninyo kapag hindi ninyo nabayaran yan,” dagdag ng Pangulo.

Ang problema aniya ngayon ni Gordon ay ang aspetong kriminal dahil kahit na-execute na ang properties ay lalabas pa rin na mayroong nagawang malversation sa pondong nadis-allow ng COA.

“Ang problema ni Gordon actually iyong criminal aspect doon. Kasi pag may disallowance yan, ang labas niyan sa COA is actually malversation,” wika ng Pangulo. (Aileen Taliping)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: , ,