39

By

P142M na halaga ng yosi, sinunog

Sharing is caring!

Limang milyong kaha ng sigarilyo ng Mighty Corporation na nagkakalahaga na P142.44 milyon ang sinunog kanina sa pangunguna ng Department of Finance.

Sa pamamagitan ng ‘co-processing’ method’ ng Holcim Phils Geocycle, tiniyak na wala kahit isang piraso ng sigarilyo ang napakinabangan.

Ang mga sinunog na sigarilyo ay kabilang sa mga kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Internal Revenue at Bureau of Customs mula sa isang warehouse sa General Santos City noong nakaraang buwan ng Mayo dahil sa mga pekeng selyo sa kaha.

“The decision to destroy these confiscated cigarettes came easily. We imposed sin taxes on these products in part to protect the health of our people. It would be wrong to release these products to the market,” ayon kay Finance Sec. Carlos Dominguez III.

Sa pagtataya ng kagawaran, aabot sa P1.39 bilyon ang dapat na masisingil na buwis sa mga sigarilyo. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
## Sticky for mobile →Please put this tag in
"); document.write(""); }