5,546

May 12, 2021 @ 21:47
By

P14,000 naipon naipanggatong ni lola

Humingi ng tulong ang isang netizen matapos aksidenteng maipanggatong ng kanyang lola ang naipong tig-iisang libong piso na may kabuuang halagang P14,000.

Ibinahagi sa Facebook ng apo ni Lola Honorata Gahis, 95-anyos, naninirahan sa San Juan, Laur, Nueva Ecija, ang mga nasunog na rolyong P1,000.

Aksidente raw na naitapon ng kanyang lola sa apoy ang mga bungkos ng pera nang magsaing ito.

Sabi ng apong si SarahLie Gahis de Guzman, ipinost niya ang mga nasunog na pera sa pag-asang mapalitan ito ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

“Dahil po sa di inaasahang pangyayare ay naigatong o nasunog po ang kanyang pera 14,000 mahigit po at sana po mailapit ito sa Bangko Sentral ng Pilipinas kung ito po ay pede pang mapalitan dahil siya po ay nagsasaing ng mga oras na nangyari po yun,” ani De Guzman.

Posted by SarahLie Gahis De Guzman on Friday, May 7, 2021

Posted by SarahLie Gahis De Guzman on Friday, May 7, 2021

Posted by SarahLie Gahis De Guzman on Friday, May 7, 2021

Posted by SarahLie Gahis De Guzman on Friday, May 7, 2021

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?