24

By

P14.6M halaga ng iligal na droga na naharang sa NAIA, inilipat sa PDEA

Sharing is caring!

Aabot sa P14.6 million na halaga ng iligal na droga na nasabat sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ang inilipat ng Bureau of Customs (BOC) sa kustodiya ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).

Ito ay sa ginawang turnover ceremony na pinangunahan ni Customs Commissioner Isidro Lapeña.

Kabilang sa nasabing mga kontrabando ay ang 2.3 kilo ng cocaine na nagkakahalaga ng P12.3 million na galing ng Sao Paolo, Brazil. Ang cocaine ay nakapangalan sa isang Johnmel Natividad mula sa Caloocan.

Galing naman ng United Kingdom ang parcel na may lamang 204.9 gramo ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P1.43 million. Ipinuslit umano ang shabu sa pamamagitan ng pagdedeklara rito bilang mga damit pang-sanggol at birthday cards at nakapangalan sa isang Joy Bido Marieo mula sa Cavite.

Nasamsam din ng BOC ang higit kalahating kilo ng marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng P850,000 na itinago sa isang portable heater at nakapangalan sa isang Raven Delosa ng Quezon City. Galing umano ang marijuana mula sa California.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?