14

By

P14.3M marijuana sinilaban sa Danao City

Nasa P14.3 milyong halaga ng marijuana ang sinunog sa Danao City sa Cebu.

Ayon sa Cebu Provincial Police Office, anim na hinihinalang nagtatanim ng marijuana ang naaresto sa insidente.

Kinilala ang ilan sa nadakip na sina Benjie Salde Depositario, 34; Inocentes Juntilla Depositario, 59; Berting Salde Depositario, 27; at Melvin Salde Depositario, 30.

Pinangunahan ni Danao City Mayor Ramon Durano III ang ceremonial burning ng nasa 35,000 uprooted cannabis plants; 4,000 seedlings at 38,000 cannabis stalks sa Lawaan.

Isinagawa umano ang operasyon matapos matunton ang malaking marijuana plantations sa mga village ng Licos at Langosig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?