21

Oct 30, 2020 @ 14:51
By

P13B ayuda sa mga nawalan ng trabaho

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment na abot sa P13B ang nilaan para sa tulong pinansyal sa mga manggagawa na naapektuhan ng COVID-19 pandemic.

Ayon kay DOLE Undersecretary Joji Aragon, ang pondo ay magmumula sa Bayanihan to Recover as One Act.

P5B dito ay para sa one-time assistance para sa 993,000 manggagawa sa pormal na sektor na natengga dahil sa health crisis.

P6B naman ay para sa emergency employment ng aabot sa 863,000 empleyado sa informal sektor.

Habang P2B naman ay para sa 200,000 overseas Filipino worker (OFW) na umuwi sa Pilipinas.

Ayon sa datos ng DOLE, aabot sa 3.3 milyong Pinoy ang nawalan ng trabaho dahil sa pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?