29

Sep 14, 2020 @ 23:48
By

P136M shabu nasabat sa buy-bust sa Parañaque mall

Mahigit P136 milyong halaga ng shabu ang nasamsam sa ikinasang buy-bust operation sa likuran ng Coastal Mall sa Parañaque City nitong Lunes.

Ayon sa ulat, nasa 20 kilo ng shabu na nakabalot ng gold-plated packaging ang nasabat ng Philippine Drug Enforcement Agency.

Isang Francisco Tolombo at Carlos Valiente ang naaresto sa buy-bust.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?