27

Jan 16, 2020 @ 17:35
By

P130K multa binayaran ng Arthaland Corp

Nagbayad ang Arthaland Corp. na kontrolado ng mga Po ng P130,000 na multa dahil sa hindi nito pag-update ng website ayon sa deadline ng Securities and Exchange Commission.

Ayon sa Arthaland, nakatanggap ito ng liham mula sa SEC noong January 14, 2020 kung saan sinabihan ito ng SEC na hindi nito in-update ang website ayon sa deadline ng SEC para sundin ang template nito.

Ang liham ng SEC ay may petsang January 10, 2020 at inuutusan itong bayaran ang multang P130,000 sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng liham.

“The corporation paid the penalty today,” sabi ng Arthaland.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?