746

Jul 23, 2018 @ 18:06
By

P13-M napinsala sa agrikultura dahil sa ulan – DA

Pinag-aaralan na ng Department of Agriculture (DA) ang tulong na ibibigay sa sektor ng agrikultura bunga ng epekto ng ilang araw na pag-ulan.

Kabilang sa ikinukunsidera ng kagawaran ang pamamahagi ng mga punla sa mga magsasaka.

Sinabi ni DA-Programs Operational Planning Division Chief Christopher Morales na nasa P13 milyon na ang halaga ng pinsala sa sektor ng agrikultura na idinulot ng mga bagyong Henry at Inday.

Aniya, sa naapektuhang 1,429 ektarya ng taniman sa Calabarzon, Mimaropa at Region 6, tinatayang napinsala na ang 49 metriko tonelada ng palay.

Ayon kay Morales ang naapektuhang palayan ay wala pa namang isang porsiyento ng 333,707 ektarya na palayan sa rice producing regions.

Dagdag pa nito, marami sa mga napinsala ay sumisibol na.

Inaasahan na tataas pa ang lawak at halaga ng pinsala dahil patuloy pang dumadating ang mga datos mula sa mga naapektuhang lugar. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?