12

Sep 24, 2020 @ 16:10
By

P128M jackpot ng Lotto 6/55 nasolo ng taga-Valenzuela

Masagana ang darating na Kapaskuhan para sa isang mananaya mula sa Valenzuela City matapos matumpak ang mga numero sa binolang Grand Lotto 6/55 draw noong Miyerkoles ng gabi.

Ayon kay Philippine Charity Sweepstakes Office General Manager Royina Garma, nasungkit ng nanalo ang P128,397,144.80 jackpot prize ng Grand Lotto matapos madale ang winning combination na 02-12-22-27-03-29.

Makakatanggap naman ang 43 bettor na nakakuha ng limang tamang numero ng tig-P100,000.

Binobola ang Grand Lotto kada Lunes, Miyerkoles at Sabado.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?